dfa

Pasaporte, Part 2

2:27 PM

Prudence Charlz is present today! Isang magandang araw ang nangyari sa akin kahapon.


Miyerkules, 10:00 a.m, DFA -- Sa Gate 3, pagkatapos kong ipa-inspect ang gamit ko (dahil sa SOP, masunurin ako eh hehe) tumungo na ako sa entrance na malapit sa elevator patungong second floor. Kabado ako. Baka kasi abutin na naman akong ng mahigit sa dalawang oras para lang sa huling hakbang para sa renewal ng passport ko. Madami-dami pa din tao. Pero maaliwalas naman ang paligid. Hindi pa ako exhausted.

Kumuha muna ako ng number, siguro dahil sa kaba ko resibo lang ang nailabas ko nakalimutan ko ilabas na ang application form. Hinanap pa tuloy sa akin. 1755 ang nakuha kong number. Siempre tinignan ko kaagad ang LCD monitor; 1580 ang huling numerong inaasikaso. Kaya naman parang nakakapanlumo. Pero okay na ito kesa naman nu'ng Lunes, 1686 pa lang at 2048 ako at mabagal talaga ang bawa't isang transaction.

Naghanap ako ng upuan kung saan makikita ko ang monitor at I could read book comfortably. Pero wala akong naintindihan sa binabasa ako. Maya't maya ang tingin ko sa monitor dahil sa tunog na hudyat ng bagong numerong tinatawag. Kaya naman nabubuhayan ako, at naging excited. Mabilis ang transaction dahil na rin sa puno ang tables at ginagamit lahat ang computers para sa data capturing. Nice! Kaya mabilis. Kaya nung nasa 1725 pa lang, nag-ayos na ako ng buhok at naglagay ng manipis na lipstick para hindi maputla ang picture ko sa passport.

Nang 1755 na, hinanap ko ang table 32. Tinanong ako kung bagong aplikante, sabi ko renewal po. Tapos may sinasabi 'yung lalakeng nag-aasikaso. Hindi ko narinig kaya pinaulit ko pa. Ang sabi pala n'ya sa malumanay na boses, "'Yung hikaw mo, pakitanggal." Natawa ako kasi hindi ko pala tinanggal, nu'ng Lunes bago pa ako pumila tinanggal ko na.

Pagkatapos ko sa data capturing, tinungo ko na ang courier na nasa harap lang ng table na napuntahan ko. Mabilis lang naman. Nakakatawa lang kasi gusto ko sana DHL ang courier ko, kaso dahil sa pag-aakalang may iisang pila lang para sa courier at aantayin na isigaw ng kahera ang "Next" saka ka pa lang pupunta. Pero hindi pala, 'yung bawa't nakaupong kahera dun ibig sabihin iba't ibang courier. Napunta ako sa LBC. Sana okay naman at makuha ko ng on time.

Hindi ko alam kung ang Miyerkules (at Huwebes) ang magandang araw para sa pagkuha ng passport. Siguro konti lang ang nagpapa-appointment ng ganitong araw dahil sa alanganin para sa mga nagtra-trabaho. Hindi ko din matukoy kahapon kung ilang oras ang aabutin mo kung magsisimula ka sa Step 1 hanggang Step 3 dahil bumalik lang ako kahapon para sa Step 3. Siguro kung mas maaga ang appointment mo, 8 o 8:30 a.m. baka matatapos ka ng before lunch or lunch. Huwag lang magkakaroon ng problema sa requirements mo.

Ang hindi pagiging bakante ng computers, maaring nakatulong para mapabilis ang transaction sa Step 3. Kaya sana kung break time na, kung merong pwede pumalit sana humalilin para naman hindi na maipon ang mga aplikante.

Dahil sa bumalik pa ako, naurong ng dalawang araw (plus isang araw para sa delivery) ng release date ng passport ko. Pero okay lang dahil hindi pa naman ako aalis ng bansa, kaya naman minabuti ko na lang bumalik ng Miyerkules kaysa mag-antay ng matagal nu'ng Lunes.

Nga pala, napansin ko na may mga naka-T-shirt lang o blouse ang ibang mga applicant. Pero meron pa din naman ang may collar na damit. Mukhang napansin na ng DFA na hindi naman din nakikita ang collar sa picture kaya pinayagan na, hehe! Pero bawal ang nakasuot ng sumbrero sa loob ng gusali, kaya kahit nakapila ka pa lang hubarin na ang sumbrero.

Para sa Part 1 ng kwentong ito, hanapin lamang ang Pasaporte, Kay Tagal dito sa blog.

Note: Sorry for using my language here. Intended to share and get reactions from Filipinos. Hindi isinulat ito para batikusin or siraan ang isang ahensya ng pamahalaan, isa lamang itong paglalahad ng naranasan at opinyon ng manunulat.

You Might Also Like

0 comments

Thank you for your comments! Have a nice day!

Keep visiting Every-Witchy Way.

Cheers,
Prudence Charlz

Popular Posts