I wasn't here yesterday. Kailangan kong pumunta sa DFA (Department of Foreign Affairs) para magpa-renew ng passport. Pero hindi ako natapos. Umuwi na lang ako dahil kailangan ko ulit maghintay ng mahigit pa sa isang oras sa data capturing pagkatapos ng mahabang pila sa document evaluation.
Akala ko nu'ng una, mas mabilis at convenient sa mga mamamayan ang appointment system pero sa tinatakbo kahapon mukhang hindi. O malas lang talaga ako dahil maraming tao? May pagkakataon ba na hindi marami ang tao? Almost 5 years ago nu'ng kumuha ako ng passport, hindi ako inabot ng isang oras. Maaga ako pumunta para maaga matapos. Dati first come, first serve pa, kung matiyaga kang pumunta ng maaga, maaga kang matatapos. Kung late ka naman na dumating, kasalanan mo kasi hindi ka maagang pumunta. Ngayon kahit maaga kang pumunta, kailangan mong mag-antay para sa schedule mo. Pero hindi ibig sabihin nu'n ganung oras ka maaasikaso kasi tatapusin pa 'yung mga naunang schedule sa'yo. Sa per 30-minute interval ng schedule, iisipin ko na parang 30 minutes or less lang matatapos na ako at 30 minutes lang tapos na ang mga naunang schedule sa akin. Pero hindi pala ganun.
Mas maganda siguro kung numbering system (kung ito man ang tawag dun) na lang on a first come, first serve basis, tulad kapag nagbabayad ka ng bills ng telepono or minsan sa bangko kung maraming tao at saan pang kailangan mo munang kumuhang number para sa transaction. Kung gusto nilang limitahan ang pupunta sa bawat araw, siguro mas mainam kung appointment system per day na lang na hindi mo na kailangang mamili ng oras; nasa sa iyo na lang kung gusto mo pumunta ng 8 ng umaga, 10 ng umaga or mga oras sa hapon. Siguro mas konti ang magrereklamo at maaabala.
Mahirap matukoy kahapon kung bakit naging mabagal ang transaction sa bawat isang tao kung may sistema namang sinusunod. Saka kung dahilan ang dami ng tao, hindi ba inaasahan na nila ito dahil isang buwan or higit bago isara ang araw para sa appointment kaya maaring matukoy na nila ang bilang ng pupunta para sa new applications at renewal pati na rin ang rush at regular processing time. Kaya dapat may solusyon na sila dun dahil na rin sa sistema. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang pagkuha ng NBI (National Bureau of Investigation) clearance. Makikita mo ang dami ring tao pero hindi ka aabutin ng higit pa sa dalawang oras at matagal na ang isang oras para sa renewal. Siguro mas maganda ang sistema sa NBI?
Saka sana hiwalay ang new application sa renewal para mas mapabilis. Kahapon (hindi ko alam kung meron talaga during business days) may sariling pila pala ang renewal sa document evaluation kahit isa lang, ganun din pala hinihiwalay pero iisa lang ang pila n new at renewal.
Pagkatapos ko sa document evaluation, akala ko mabilis na. Pag-akyat ko sa ikalawang palapag (second floor), nakikita ko maraming tao ang nakaupo. Step 2: Magbayad, kaya naman pagkatapos ko magbayad (gladly halos wala namang pila) sa step 3 na ako pero kailangan kong kumuha ng number. Nagtaka ako. Nakuha ko number 2048. Pagkakita ko sa LCD monitor ang huling number na kasalukuyang inaasikaso is 1686. Napa-what talaga ako. Nalaman ko pa na may mangilan (o siguro patapos pa lang ang batch nila, hindi ko alam dahil hindi ko naman nakausap lahat ng nandun) mga 8:30 a.m. pa na schedule ang nandun. Marami namang tables and computers para sa data capturing pero hindi naman lahat nagagamit sa parehong oras lalo na kapag break time. Hindi ko din alam kung gaano kabilis ang computers na ginagamit para sa scan, encoding, at sa pag-capture ng image.
Siguro kaysa nababakante ang tables and computers mas mainam kung may gumagamit nito, mas tama siguro kung nama-maximize ang paggamit dahil kung hindi naman pala magagamit ang lahat sana inilaan na lang ang pera sa ibang pangangailangan. Kaysa maraming computers mas maganda kung bawasan ang bilang ng dami ng computers na hindi nagagamit at kumuha ng manpower na makakagamit ng sapat sa bilang ng computers. Kaya kung breaktime na ng isang empleyado (dahil kailangan naman nilang magpahinga at kumain dahil tao lang din naman sila), maganda kung may papalit sa kanya para hindi naaantala ang transaction at maiiwasan ang pag-ipon ng mga taong dapat bigyan ng serbisyo.
Kung hiwalay kaya ang renewal sa new application, makakatulong ba sa pagbilis ng gawain sa step 3 na data capturing?
Heto pa pala, kung gusto mo ipa-deliver na lang ang passport kaysa bumalik para kunin ito, kailangan mo ulit pumila para dito. Medyo mag-aantay ka ulit kung minalas-malas ka na madaming nakapila pagkatapos mo sa data capturing.
Napakadaming pila at napadaming pupuntahang window bago ka matapos. Nababalewala talaga ang pila kahit nauna ka pa, pero swerte kung huli ka na sa pila o late ka na dumating nauna ka pa sa mga maaga. Halimbawa, sa ground floor ipapasa ang documents para sa evaluation at interview then kaysa ibalik sa'yo ang documents at bigyan ka ng resibo para sa pagbabayad ang ibibigay na lang is number at delivery form kung gusto mo na ipadala na lang ang passport. Then aakyat ka sa second floor at dun mo aantayin na tawagin ang number mo at habang nag-aantay nagfi-fill in ka ng delivery form. (Ang mga empleyado naman ipinapasok na ang data mo na hindi mo na kailangan maghintay pa sa harapan nila kung kailan sila matatapos ang encoding bago ka kunan ng picture.) Kapag tinawag na ang number mo, ibig sabihin tapos na encode ang information, magbabayad ka at bibigyan ng resibo (then saka sasabihin sa data management department [ba 'yun] na bayad na ito at pwede na sa image capturing) habang hawak mo pa din ang number mo. At pagkatapos tatawagin ulit ang number mo kung ready na para sa image capturing or pwede namang derecho na lang. Kung ganitong set-up mas madali kaya at mas makaka-save ng time pareho ang applicant at empleyado? Sa ganitong proceso mas malalaman kaya ang bilang ng empleyado at computers na kailangan para sa mabilis na transaction?
Pwede naman siguro gawin pa din ang kasalukuyang sistema, pero sana kung saan naiipon ang mga tao pagtuunan ito ng pansin para malaman ang kung ano ang nagiging sanhi ng pagbagal bukod sa sabihin na nating hindi tamang requirements ng iba. Parang daloy ng trapiko, kung maraming sasakyan bumabagal lalo na kung may aksidente or may mga sasakyang mabagal ang takbo o hindi muna siniguro ng may-ari ng sasakyan na nasa ayos ang sasakyan bago umalis at umarangkada sa kalsada. Sa trapiko, kapag mabagal ang daloy madaming naaabala kahit ang iba na sumusunod sa batas trapiko or sinigurong maayos ang sasakyan bago paandarin sa kalsada. Pero kung maayos ang kalsada, may magandang batas trapiko at sinusunod ng lahat, nagiging maganda ang daloy ng trapiko.
Sa mga aplikante naman, isipin naman na marami ang gusto ring makakuha at matapos ng maaga at hindi lang ikaw ang aplikante na aasikasuhin kaya siguraduhing bago pumunta o makarating sa document evaluation window, kumpleto ang mga kailangan. Huwag nang isipin na baka mapagbigyan, para hindi naman unfair sa ibang aplikante na sinikap na kumpletuhin ang requirements at nang hindi maabala at makaabala. Siguro kung hindi mo ugaling magmalasakit sa kapwa dahil hindi mo naman sila kilala o magbigay naman ng konsiderasyon, hindi kaya sakit ka din ng lipunan?
Alam naman siguro ng nakararami, hindi lang ako, na maraming taong kumukuha at nagpapa-renew ng passport kung ihahambing sa bilang ng empleyado sa DFA, pero parang guro lang din 'yan sa isang klase na nakakayang humawak ng mga mag-aaral para makinig at mapanatiling nakaupo sa loob ng takdang oras at matapos ang lecture na nakatakda sa ibinigay na oras ng pagtuturo dahil ito ang sistema at kailangang sundin ang oras para sa paglilinang ng kaisipan ng mga mag-aaral. Dahil ang oras mahalaga sa bawa't isa. Kung sa pagkuha ng passport aabutin ka na ng tatlong oras o higit pa sa estimated time na matapos ang bawa't isang transaction, paano naman ang iba? Parang ang bagal naman ng pag-usad at malaking abala na imbis na may maari ka pang gawin na mas mahalaga, ang tanging gagawin mo lamang sa loob ng gusali ng DFA maupo at maghintay hanggang matapos ka.
Pero in fairness, malinis at malamig sa loob ng gusali.
Note: Sorry for using my language here. Intended to share and get reactions from Filipinos. Hindi isinulat ito para batikusin or siraan ang isang ahensya ng pamahalaan, isa lamang itong paglalahad ng naranasan at opinyon ng manunulat.
Popular Posts
-
Maybe, or should I say obviously, one of the much-awaited film this year 2009 will be shown in June 24. The Transformers 2: Revenge of the F...
-
It’s just less than a month away before Andrew Lincoln and Norman Reedus are back to portray their roles as Rick Grimes and Daryl Dixon in ...
-
Whether I’m just a self-proclaimed or certified cat lover and animal sympathizer, building an animal shelter has been in my bucket list. How...
-
Another Joker movie is coming our way and Joaquin Phoenix seems to be setting his own record for the film after the late actor Heath Ledger ...
-
Every time I step on the land I’ve never been or visit again the place I’ve already left my footprints, I feel a sense of bliss. It ...
-
Photo by Christian Post A recent post on Sony Pictures – Brazil on social networking site steered a buzz on the plans of the studio to...
-
I missed the live telecast of Oscars 2011 last February 27. But, of course, I browsed the net to know who received the prestigious award for...
-
Bethesda has created the stunning rooms in its Fallout Shelter mobile game app. Check out the Academy and Salon rooms! Train your dwellers!...
-
Whatever your reason, if you love to run or do the marathon, adidas and Milo invite you to join the event. They have different objectives bu...
4 comments
I love the way how you expressed yourself here. Ganito kami sa Pilipinas!
ReplyDeleteHi! Thanks for the compliment. Ginamit ko na lang ang Tagalog haha para naman hindi maintindihan ng mga banyaga na bumibisita dito itong sinulat ko hahaha! Ayoko namang ding hamakin nila ang Pilipinas, hahahaha! Kaya tayu-tayo na lang magpalitan ng opinyon di'ba? :D
ReplyDeleteMy goodness! Akala ko pa naman mas madali na ang pagkuha/renew ng passport ngaun kasi nga may bagong system na silang pinaiiral, eh mukhang mas lumala pa ata. Naku, balak pa naman namin kumuha ni boyfriend ng passport.
ReplyDeleteHi Krisel,
ReplyDeletePara hindi kayo masyadong maabala, siguro I would recommend na Miyerkules o Huwebes. Baka sakali medyo konti ang tao. Nataon kasi na Monday ang nai-schedule ko, minalas siguro. Pero bumalik ako kahapon (Wednesday) para ituloy 'yung third step and to see kung marami bang tao ng ganung araw. Marami-rami pa rin pero hindi naman ganun ka-jampack tulad nung Monday. Natapos ako after an hour though data capturing na lang naman ako. And make sure na hindi aabutin ng lunch break kundi maantay ka talaga ng matagal kapag naipon ang mga tao. Pero hindi naman sila sabay-sabay mag-lunch break pero nung Monday kasi kalahati or medyo higit sa kalahati ang wala sa tables nila. Kung 8 am or 8:30 am ang appointment mo, mas mabilis kang matatapos.
I will write about sa experience ko kahapon later.
Thanks sa reaction and comment. :)
Thank you for your comments! Have a nice day!
Keep visiting Every-Witchy Way.
Cheers,
Prudence Charlz